-- Advertisements --
image 555

Itinutulak ng Commission on Human Rights (CHR) ang paglikha ng isang “international legal instrument” para sa mga karapatan ng mga matatanda.

Binanggit ni Commission on Human Rights commissioner Beda Epres ang agarang pangangailangang magdaos ng United Nations (UN) convention na may layuning magbalangkas ng gabay sa paggawa ng patakaran para sa proteksyon at pagtataguyod ng mga karapatan ng matatanda sa buong mundo.

Itinuro din ng komisyon ang pangangailangang dagdagan at pagbutihin ang mga accountability mechanisms na nagtataguyod ng paggalang at pagtupad sa mga karapatan ng mga nakatatanda.

Sinabi ni Epres na ang pagdaraos ng isang convention sa kanilang mga karapatan ay higit na gagabay sa mga gumagawa ng patakaran at mga kinauukulang ahensya upang mas mahusay na balangkasin ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan na tumutugon sa mga senior citizen ng bansa.

Kaya naman, nananawagan ang Commission on Human sa gobyerno ng Pilipinas na makipagtulungan sa mga komunidad at civic society na suportahan ang panawagan para sa paglikha ng isang international legal instrument na magtataguyod ng dignidad at karapatan ng mga matatanda sa Pilipinas.