MANILA – Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang kaso ng pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.
“Such brazen, senseless killing deserves our strongest condemnation. While investigations continue to ascertain the reason for the altercation, no one deserves to be deprived of their life at whim.”
Reaksyon ito ng ahensya sa kumakalat na video online, kung saan kitang pinagbabaril ni police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, ang mag-inang sina Sonya Gregorio, 52-anyos; at Frank Anthony Gregorio, 25-anyos.
Pero kinwestyon ng ahensya ang tila pagtalikod ng ilang pulis sa kanilang sinumpaang pangako na maglingkod at protektahan ang taong bayan.
Hindi umano katanggap-tanggap na kung sino pa ang mga inaasahang nasa unahan ng pagpo-protekta sa karapatang pantao, tulad ng pulisya, ang nagiging sangkot sa karumal-dumal na pagpatay.
“The police force is expected to be disciplined, discerning, and professional. The PNP ought to live by their motto of “To Serve and Protect.” Each and every police is expected to protect our rights. As such, it is unacceptable when they are the ones being at the forefront of perpetuating such human rights violations.”
Binigyang diin ni De Guia ang panawagan ng ahensya sa pamahalaan na magkaroon ng malawakang imbestigasyon sa mga kaso ng arbitary killing sa bansa.
Mawawalan daw kasi ng saysay ang mga pahayag at pangako ng gobyerno na pagkilala sa halaga ng human rights, kung walang mapapanagot sa mga ganitong uri ng krimen.
Bukod sa pulisya, obligasyon din umano ng pamahalaan na protektahan at isulong ang karapatang pantao.
“The government cannot claim adherence to human rights principles and allow impunity to worsen by not making sure perpetrators are held to account. We are interested in knowing the truth behind these deaths because there is a demand for justice.”
“Promises made by the government to uplift the human rights condition in the country must translate into the improvements of the situation on the ground. We have seen deaths after deaths. How much more until the killings stop?”
Samantala, nanawagan naman si De Guia sa publiko na tigilan na ang pag-kuyog sa anak na babae ng suspect. Maaari raw kasing magdulot ng matinding trauma ang pag-kaladkad sa pangalan ng menor de edad, mas mabuting hayaan na lang ang mga otoridad na respondehan ang anak ng salarin.
“Vilifying the minor publicly, even posting the child’s name and photos, may inflict irreparable trauma that might worsen this situation. Let proper interventions deal with the child’s situation separately.”
Sa ngayon, nagsasagawa na rin daw ng hiwalay na imbestigasyon ang CHR sa nasabing krimen.