Nagpahayag ng pagkondena ang Commission on Human Rights (CHR) sa pambobomba sa kasagsagan ng misa sa isang chapel sa Cotabato city.
Sa isang statement, binigyang diin ng komisyon ang panawagan nito na dapat malayang maipahayag ng mga mananampalataya ang kanilang paniniwala dahil nakapaloob ito sa domestic policies at international human rights standards.
Ito rin aniya ang ikalawang pagkakataon na sa nakalipas lamang ng olang buwan na nangyari ang naturang pambobomba sa mga lugar ng sambahan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kasunod ng nangyari noong nakalipas na taon Disyembre 5 na pambobomba sa isang campus habang nagsasagawa ng misa sa Marawi city.
Sinabi din ng CHR na kaisa sila ng pamahalaan sa pagtugon sa usapin. Malugod din ang komisyon sa ginagawang pagsisikap ngayon ng Cotabato city Police para imbestigahan ang naturang insidente at matiyak na mapanagot ang mga salarin.
Una rito, nasugatan ang nasa 2 kababaihan habang nasa fellowship nang naghagis ng granada ang mga hindi pa nakikilalang mga salarin sa chapel sa Barangay Rosary Heights noong Mayo 19.