-- Advertisements --

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights ang mga bagong kaso ng pagpatay at pang-aabuso sa mga kabataang kababaihan.

Tinawag ito ng komisyon na “cruel and reprehensible acts” kung saan nilalabag umano ang fundamental rights ng isang indibidwal at binabalewala ang sanctity ng human life. 

Ayon sa CHR, mayroong grade 2 student na babae ang natagpuang patay sa loob ng sako sa remote area sa General Santos City. Pinaghihinalaan din daw na sinaktan at ginahasa ang bata bago pinatay. 

Sa iba pang kaso, nakatanggap din ng ulat ang komisyon na ginamit ng isang ina ang kaniyang mga anak sa online sex exploitation. Ang mga bata ay nasa 8, 11, at 13 na taong gulang pa lamang. 

Sa kabila nito, kinikilala pa rin ng CHR ang mga hakbang ng awtoridad para mapanagot ang mga may sala ng krimen. Subalit patuloy rin silang nanawagan sa mga nasa puwesto na magkaroon ng comprehensive measures para mabigyan ng hustisya ang mga biktima at hindi na mangyari pa sa iba. 

Binigyang-diin ng komisyon na ang proteksiyon sa mga karapatan ng mga bata ay isang “essential component” para magkaroon ng “just and equitable community.” 

Nanawagan din ito sa lahat ng sektor ng komunidad na magtulungan para matigil na ang pang-aabuso sa mga kabataan.