Nakiisa ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagkondena ng Departments of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) sa nangyaring pagbangga ng Chinese fishing vessel sa barkong pangisda ng mga Pilipino.
Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jackie de Guia, kinakailangang igiit ng Pilipinas ang soberenya at karapatan nito sa nasabing karagatan dahil sa bahagi pa ito ng Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas.
Ang ganitong hakbang ayon kay De Guia ay isang patunay na ipinaglalaban ng Pilipinas kung ano ang kanya.
Dagdag pa nito na magsisilbi ring babala ito sa iba pang mga bansa na dapat igalang ang soberanya ng Pilipinas.
Nararapat lang aniya na iprotesta ng Pilipinas ang hakbang na ito ng China laban sa mga Pilipino at dapat gawin ng pamahalaan ang lahat upang pangalagaan ang kapakanan ng ating mga kababayan.