-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Siniguro ng Commission on Human Rights (CHR) ang tulong sa Commission on Elections (COMELEC) sa pagbabantay sa karapatang bumoto ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay CHR Bicol Director Atty. Arlene Alangco, naka-monitor sila sa mismong halalan sa Mayo 13 kung saan magkakaroon ng offsite voting ang PDLs.

Ang hukom na nakakasakop sa kaso ang magpapasya kung papayagan ang PDL na makaboto at pipili ng kandidato sa national position kung sakaling payagan ng korte.

Dagdag pa ni Alanco na ang mga detainees ang uunahing makaboto sa pagbubukas ng halalan at tutulungan ang mga PDLs na hindi marunong magbasa.

Nabatid na mahigit sa 600 na PDLs sa Sorsogon ang tutulungang makaboto habang may ilan pang detainee sa Legazpi at Tabaco City sa Albay gayundin sa Camarines Sur at Camarines Norte.