Kinumpirma ng Commission on Human Rights (CHR) na inaksyunan nila ang isang reklamo kaugnay sa kontrobersyal na pag-aresto kay dating Cebu City Administrator Collin Rosell noong nakaraang buwan sa City hall.
Ito’y kasunod na rin ng umano’y maling pag-uugali ng mga tauhan ng Cebu City Police Office.
Ayon pa, ipinasa na umano ng Commission on Human Rights ang usapin sa tanggapan nito sa Central Visayas para sa agaran at nararapat na aksyon.
Matatandaan na inaresto si Rosell dahil sa umano’y usurpation of authority nang bumalik ito sa City Hall matapos makumpleto ang isang suspension order.
Pinosasan at kinaladkad mula sa kanyang mesa nang hindi ipinaalam sa kanyang mga karapatan o batayan ng pag-aresto
na nakunan pa ng video.
Samantala inihayag ni PLt Col Ma. Theresa Macatangay, deputy city director for operations ng Cebu City Police Office, kanyang sinabi na handang-handa umano silang makipagtulungan at harapin ang anumang isasagawang imbestigasyon.
Sinabi pa ni Macatangay na iginagalang nila ang mga karapatan ng mga nagdadalamhati ngunit nanindigan pa sila sa mga aksyon noong panahong iyon na ang lahat ay legal at ginagampanan nang regular ang kanilang tungkulin.