Inihayag ng isang election watchdog na mahalagang i-balanse ang freedom of speech na may equal access at ang karapatang bumoto pagdating sa isyu ng mga campaign poster na nakalagay sa mga private properties.
Bagama’t ang hakbang ng Commission on Elections na i-dismantle ang mga campaign paraphernalia sa mga pribadong ari-arian ay umani ng reaksyon ng publiko, malamang na nababahala ang Comelec sa mga kandidatong umiiwas sa mga batas sa limitasyon sa paggasta sa kampanya, ayon kay Atty. Carlo Africa, policy consultant ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE).
Idinagdag ni Africa na mayroon nang jurisprudence hinggil sa usapin sa kaso ng Diocese of Bacolod v. Comelec, kung saan ipinakita na may kapangyarihan ang Comelec na i-regulate ang pananalita na katumbas ng mga election paraphernalia.
Aniya, ang karapatan sa kalayaan sa pagsasalita ay dapat na balanse sa karapatan sa impormasyon.
Sinabi nito na kung wala right to information, pare-pareho tumatakbo, at walang campaign spending limits, mahihihrapan na magkaroon ng genuine elections.