Itinalaga si Leah Tanodra-Armamento bilang bagong chairperson ng Commission on Human Rights (CHR).
Si Tanodra-Armamento ang siyang papalit kay dating chairman Jose Luis Martin “Chito” Gascon na pumanaw noong nakaraang taon dahil sa kumplikasyon bunsod ng COVID-19.
Mababatid na hindi rin naman bago si Tanodra-Armamento sa CHR dahil commissioner din ito.
Siya ay nagtatrabaho dati sa Office of the Solicitor General bilang associate solicitor sa loob ng limang taon.
Tumulong siya sa mga solicitors sa mga habeas corpus cases.
Lumipat siya pagkatapos sa Department of Justice (DOJ) at naging state prosecutor bago naging senior state prosecutor mula 1991 hanggang 2003.
Noong 2003 nang maitalaga si Tanodra-Armamento bilang DOJ Assistant Chief State Prosecutor.
Nagtapos siya ng Bachelor of Laws degree mula sa Ateneo de Manila University School of Law.
Siya ay fellow din ng John F. Kennedy School of Government ng Harvard University noong 2007.