-- Advertisements --
image 8

Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights ang panibagong kaso ng hazing sa Quezon City.

Batay sa preliminary investigation report ng Quezon City Police District, hinimatay ang menor de edad na biktima ng hazing matapos hindi nito kayanin ang pananakit na ginawa sa kanya.

Nais ng CHR na mabigyan ng hustisya ang menor de edad na biktima.

Miyembro ng Scout Royale Brotherhood Nu-Theta Chapter Fraternity0 ang biktima at lumipat daw ito sa Magic 5.

Nainsulto naman umano ang dating mga ka miyembro sa ginawa niya ito pinarusahan.

Dinala daw ang menor de edad sa San Roque, Barangay Pagasa at inilipat sa isang shop sa Road 10 at doon isinagawa ang hazing.

May isang suspek na ang naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) at hinahap pa ang iba.