Naalarma ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga anti-narcotic tactics na ipinapatupad sa mga barangay.
Partikular na tinukoy ng CHR ang mga drug drop boxes at “narco-free” stickers.
Batay sa inilabas na statement ng CHR na ang mga impormasyon na nakukulekta sa drop bixes ang siyang magsisilbing tip at lead ng mga pulis.
Sinabi ng CHR na ang nasabing taktika ay posibleng maging daan sa mistaken arrest kapag hindi verified ang mga impormasyong inilagay sa mga drop boxes.
“Residents of a house with no drug-free sticker may be unduly discriminated and/or tagged as drug-users/pushers without due process of law guaranteed by the Constitution. This also violates the right of any person to be heard before he/she is condemned,” pahayag ng CHR.
Pinaaalalahan ng CHR ang mga otoridad na protektahan ang human dignity at ang right to privacy.
Umaasa naman ang CHR na patuloy na ire-examine ng pamahalaan ang kanilang anti-drug campaign at magpatupad ng isang strategic and comprehensive and human rights-based approach na kampanya.