-- Advertisements --

Naghayag ng pagkabahala ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa pagpatay sa mga lokal na opisyal ng gobyerno.

Pahayag ito ng CHR kasunod ng pagkamatay ng isang barangay chairman sa lungsod ng Malabon na binaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Kamakailan lamang din nang barilin-patay ang alkalde ng bayan ng Libungan, Cotabato.

Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline de Guia, kung ganito na raw ang sinapit ng mga taong nasa kapangyarihan, maaaring mas matindi pa ang sapitin ng mga ordinaryong mamamayan.

Batay sa datos ng CHR, umabot na sa 86 ang kabuuang bilang ng mga pinatay na local executives mula Hulyo 2016 hanggang Enero 12, 2021.