-- Advertisements --

CEBU CITY – Nag-deploy ang Commission on Human Rights Region 7 (CHR-7) ng karagdagang investigators sa Negros Oriental upang malaman kung sino ang responsable sa mga sunod-sunod na patayan sa naturang lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay CHR-7 Director Atty. Arvin Odron, sinabi nito na kasali sa naturang imbestigasyon ang pagpaslang sa apat na police officers sa bayan ng Ayungon lalo na’t subject for evaluation na ang mga nakalap na impormasyon.

Dagdag pa ni Odron na walang pinipili ang CHR sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring mga patayan, pulis man o sibilyan ang biktima upang makamit ang hustisya.

Kaya naman nanatiling “concerned” ang nasabing ahensiya sa nagyaring karumal-dumal na krimen sa Negros Oriental

Samantala nasa kustodiya naman ng PNP ang tatlong pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) para sa isinagawang inquest proceedings.

Ito’y matapos na nahuli ng pulisya sina Marlon Basalo, Ronnie Herebias at Danny Harold Tancinco sa bayan ng Badian, Cebu.

Una namang kinumpirma ni Police Regional Office Region 7 (PRO-7) Director Brigadier General Debold Sinas na ang tatlong nahuli ay ang tinuturo umanong suspek sa pagpatay ng apat na myembro ng Regional Mobile Forces Battalion sa Ayungon, Negros Oriental.