Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) sa Philippine National Police (PNP) sa plano nitong magsagawa ng door-to-door campaign para hikayatin ang mga may-ari ng baril na mag-renew ng kanilang lisensya o isuko ang mga hindi lisensyadong baril.
Sa isang pahayag, nagpahayag ang CHR ng mga alalahanin sa pagpapatupad ng “Oplan Katok” lalo na sa campaign period para sa 2025 national and local elections.
Binanggit ng CHR ang isang probisyon ng Saligang Batas na “explicitly protects individual against unwarranted searches and seizures, affirming that law enforcement must operate within the bounds of legal and procedural safeguards.”
Nauna nang hinimok ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia ang PNP na suspindihin ang “Oplan Katok” sa panahon ng halalan, dahil maaaring magdulot ito ng takot sa mga botante.
Dumipensa naman ang PNP sa kanilang inisyatiba at sinabing maglalabas ito ng karagdagang guielines upang maiwasan ang pang-aabuso at matiyak ang tamang pagpapatupad.