-- Advertisements --

Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) sa mgta otoridad kontra sa paglalabas ng panibagong listahan ng mga pulitikong umano’y dawit sa transaksyon ng iligal na droga.

Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia,  batid umano nila na ang rason ng pagpapalabas ng tinaguriang “narco-list” ay upang matiyak na ang nararapat at “law-abiding” na mga kandidato ang siyang maihahalal sa 2019 midterm elections.

Sa kabila nito, pinaalalahanan nila ang administrasyon na ginagarantiya sa Saligang Batas ang “presumption of innocence” ng mga nasa listahan.

“If there is enough evidence for the government to put names in a supposed narco-list, then the just way to proceed is to file appropriate charges against these personalities to make them accountable before our laws,” pahayag ni De Guia.

“The last thing that we want to happen is to heighten violence because of the release of such a list in an, oftentimes, already violent period triggered by the election season.”

Bago ito, sinabi ni Interior Sec. Eduardo Año na ilalabas ang narco-list bago magsimula ang panahon ng kampanya sa mga lokal na posisyon.