Inamin ng CHR na maging sila ay naka-monitor din sa mga development sa davao, partikular na ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa puganteng si pastor apollo quiboloy na iniuugnay sa maraming kaso.
Sa Isinagawang budget briefing ng Commission on Human Rights (CHR), binusisi ni Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta si CHR Chairperson Richard Palpal-Latoc tungkol sa isinasagawang manhunt operation ng PNP sa KOJC.
Tinanong ito ng mambabatas kung mayroon bang ginagawang imbestigasyon ang ahensya para sa karapatang pantao ng mga miyembro ng Kingdome of Jesus Christ.
Hinihingan pa ni Marcoleta si Palpal-Latoc, ng aksyon at at dapat rin daw ay makapagpasa ito ng kanyang imbestigasyon sa susunod na ikatlong araw pagkatapos ng ginagawang briefing ng komite.