Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno ng Pilipinas na dapat gumawa ng hakbang para sa dagdag na proteksyon ng mga overseas Filipino workers (OFW).
Kasunod ito sa pagbitay sa isang Pinoy sa Saudi Arabia na nakapatay doon.
Ayon sa CHR na ang nasabing insidente ay nagpapakita lamang na limitado ang ginagawang hakbang ng bansa para hindi mauwi sa pagbitay sa OFW.
Giit ng CHR na mahalaga na bigyang prioridad ng gobyerno ang karapatan ng mga OFW kung saan dapat sila ay mabigyan ng proteksyon kahit na ang mga ito ay nasa labas ng bansa.
Pinuri naman ng CHR ang ginagawang hakbang ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) para mailayo sana sa parusang kamatayan ang binitay na Pinoy sa Saudi Arabia.