Nagpaalala ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga opisyal ng pamahalaan na pangalagaan ang karapatan ng mga Pilipino.
“This Christmas season, as we commemorate the birth of a savior, we must hold on to our renewal of faith in our mission to end all forms of injustice & impunity, while extending care & compassion to all individuals living in the margins,” saad ng komisyon ngayong Christmas Day.
“As a Christmas wish, we call on our elected & appointed officials to be more circumspect & respectful of their sworn responsibility of protecting & promoting the rights and dignity of every Filipinos,” dagdag nito.
Nanawagan naman ang CHR sa lahat ng mga public officials na igalang ang kanilang sinumpaang tungkulin na pangalagaan at isulong ang karapatan at dignidad ng lahat ng mga Pilipino.
“We have seen deaths after deaths. How much more until the killings stop?” anang komisyon.
Kung maaalala, naging matunog at gumimbal sa publiko ang pamamaril ng isang pulis sa mag-ina sa Tarlac kamakailan.