VIGAN CITY – Wala pa umanong komento ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagtanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Sa mensaheng ipinadala sa Bombo Radyo Vigan, tumangging magbigay ng kahit anong komento si CHR spokeswoman Atty. Jacqueline de Guia sa pagkakatanggal ni Robredo bilang drug czar sa kabila ng kaliwa’t kanang komento ng ilang grupo hinggil sa nasabing bagay.
Nito lamang nakaraan nang muling manawagan ang komisyon na igalang ang karapatang pantao ng mga pinaniniwalaang may kaugnayan sa iligal na droga na siyang ipinaglalaban naman ni Robredo na taliwas sa di umano’y nangyayari ngayon sa kampanya ng kasalukuyang administrasyon na maraming mga drug personalities ang namamatay nang hindi man lamang dumadaan sa legal na proseso.
Kung maaalala, kahapon nang tanggalin sa puwesto ng pangulo si Robredo bilang drug czar dahil hindi umano nito nagampanan ng maayos ang kaniyang trabaho.