Physically closed simula January 17, araw ng Lunes, ang mga tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Quezon City.
Ito ay para sa malawakang contact tracing sa mga tauhan nito at mga indibidwal na nakipagtransaksyon sa komisyon sa nakalipas na ilang araw.
Sinabi ng CHR na walang opisyal o empleyado ang pinapayagang pisikal na mag-report sa mga pangunahing opisina nito at sa mga opisina ng komisyon sa National Capital Region at Region IV-A.
Ngunit habang sarado ang mga tanggapan ng CHR hanggang Enero 21, ang mga opisyal at empleyado ay magpapatuloy sa work from home setup.
Magugunita na nagpatupad ng suspensiyon sa trabaho sa mga opisina ang CHR noong Enero 3 hanggang Enero 5 dahil sa pagtaas ng mga kaso ng Omicron variant ng COVID-19 dito.