Hindi kumbinsido ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagiging tapat ng administrasyon sa ilang pangako nito sa usapin ng karapatang pantao, matapos hayagang manawagan ang Pangulong Rodrigo Duterte nang pagbuhay sa lethal injection bilang parusa sa ilalim ng death penalty.
Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), muling nanawagan ang presidente na ipasa ang death penalty para sa mga krimeng nasa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.
“Calling to reintroduce death penalty in the Philippines through lethal injection runs against two affirmations of this government during the 2020 State of the Nation Address—putting human lives above all and not dodging the obligation to fight for human rights,” ani CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia.
Ayon sa opisyal, hindi nagkulang ang komisyon sa pag-imbita sa pamahalaan para pagusapan ang hindi pagiging epektibo ng bitay para matuldukan ang mga krimen.
“We too believe that crimes must be punished. But the call for justice should not result to further violations of human rights, especially the right to life.”
Paalala ni De Guia, kung itutuloy ng administrasyon ang pagbabalik sa death penalty ay lalabagin nito ang kasunduan na mismong nilagdaan ng estado.
“CHR wishes to stress that any moves to reinstate capital punishment in the country conflicts with the tenets of the Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights, which the Philippines ratified in 2007.”
Naniniwala ang CHR ang kailangan talaga ng komprehensibong hakbang para tugunan ang issue ng paggamit at kalakaran ng iligal na droga, pati na ang iba pang uri ng krimen. Pero hindi umano ibig sabihin nito na babalewalain na rin ng estado ang karapatang pantao.