LEGAZPI CITY – Magsasagawa na rin ng malalimang imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) Bicol sa pamamaslang sa media man na si Jobert “Polpog” Bercasio sa Sorsogon City.
Sinabi ni CHR-Bicol Regional Director Atty. Arlene Alangco sa Bombo Radyo Legazpi na magsasagawa ang tanggapan ng motu proprio investigation upang personal na matutukan ang kaso.
Ipinangangamba ni Alangco na matulad ang insidente sa mga unang kaso sa media killing na hindi naresolbahan.
Isa umano sa mga problema kung bakit walang pag-usad sa ilang kaso sa korte ang kawalan ng testigo na haharap sa mga pagdinig.
Naiintindihan umano ni Alangco kung bakit walang lumalabas na testigo sa mga ganitong kaso.
Bukas naman ang CHR na makipagtulungan sa imbestigasyon sa mga otoridad sa mabilis na pagresolba sa kaso.