Handa ang Commission on Human Rights (CHR) na makipag-ugnayan sa susunod na Kongreso sa isang prangka at factual na talakayan at palitan ng opinyon hinggil sa usapin tungkol sa parusang kamatayan.
Nauna nang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na may malaki nang tsansa ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na reimposition ng death penalty ngayong karamihan sa mga inindorso nitong mga senatorial candidates ay nangunguna sa senate race sa kakatapos lamang na halalan.
Sa isang statement, sinabi ni CHR Commissioner Karen Gomez-Dumpit na handa silang bigyan ang Kongreso ng mga datos at mga resulta ng pag-aaral hinggil sa “ineffectiveness” ng parusang kamtayan.
Sinabi ni Dumpit na maari rin silang magmungkahi sa Kongreso ng mga programa upang maiwasan ang mga krimen at mapababa ang crime incidence, katulad na lamang ng mas pinaigting police visibility at community vigilance.
“We fully support these initiatives that do not diminish our principles to uphold the right to life,†ani Dumpit.
Pinaalalahanan naman din nito ang gobyerno hinggil sa legal obligations nito sa bansa bilang bahagi na rin International Covenant on Civil and Political Rights, at sa Second Optional Protocol na naglalayong i-abolish ang death penalty.