Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang Communist Party of the Philippines (CPP) at ang New People’s Army (NPA) na igalang ang karapatang pantao at mga batas sa Pilipinas.
Tugon ito ng CHR matapos aminin ng komunistang grupo na sinira ng NPA ang ilang mga pribadong pag-aari sa kasagsagan ng ilang mga operasyon.
Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline Anne de Guia, mula noong 2010 ay naghain na ng mga kaso ang AFP laban sa CPP-NPA kaugnay sa mga pag-atake na nagdulot ng pagkasira ng mga ari-arian.
Iginiit din ng ahensya ang kanilang hurisdiksyon lalo na’t saklaw ng international humanitarian law ang kapwa state at non-state actors.
“As private individuals and organizations within the Philippines, CHR calls on the CPP-NPA to adhere to the rule of law by respecting IHL and our domestic statutes in the country, in the same manner that we equally call on the government and its forces to respect our laws and the rights of all,” giit ni De Guia.
Gayunman, inihayag ng CHR na ang kanilang paalala tungkol sa paggalang sa karapatang pantao ay para sa lahat ng panig na nasasangkot sa isyu.
“We expect the government to hold the primary duty to respect, protect, and fulfill the human rights of all, but, even as private individuals, we have the obligation to respect the rights of others in the exercise of our own rights,” dagdag nito.