Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang gobyerno ng Pilipinas na bigyan ng seryosong atensyon ang panawagan ng mga United Nations human rights experts para sa isang international investigation sa anila’y unlawful deaths at police killings sa ilalim ng Duterte administration.
“It is worthy to stress that earning a seat in the UN Human Rights Council, which the government has welcomed as a win in 2018, also underscores the need for the Philippines to fully cooperate with the Council, including with its Special Procedure mechanisms consist of Special Rapporteurs and Working Groups of the UN Human Rights system, as embodied in the UN General Resolution 60/251,” saad ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia.
Sinabi ni De Guia na nang maging miyembro ng UNHCR Council ang Pilipinas, nangako itong maging aktibo sa human rights treaty bodies, special procedures, at iba pang mekanismo ng Human Rights Council.
Sa halip na sabihing propaganda lamang ang panawagan ng mga UN expers na imbestigasyon sa extrajudicial killings sa gitna ng kampanya ng Duterte administration kontra iligal na droga, dapat na hayaan ng gobyerno ng Pilipinas magkaroon ng probe dito upang masukat ang commitment ng bansa sa pagkilala at pagbigay proteksyon sa mga karapatang pantao, gayundin ang international human rights standards.
Kamakailan lang ay inakusahan ng 11 independent expers si Pangulong Rodrigo Duterte ng hayagang pag-intimidate sa mga aktibista at hukom ng Korete Suprema, at pagpapahiya sa kababaihan.
Hinimok ng mga ekspertong ito ang UNHRC na magsagaw ng independent inquirey sa anila’y deterioration ng human rights sa Pilipinas.