-- Advertisements --
Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga botante sa nalalapit na halalan na protektahan ang kanilang karapatan na bumoto.
Sinabi ng CHR na sa kabila ng modernisasyon, hindi pa rin naaalis sa bansa ang mga dati na nitong problema kagaya na lamang ng vote buying, manipulation at harassment.
Bukod dito, may mga bagong problema na rin daw na sumulpot ukol sa halalan katulad na lamang ng mga social media trolls na nagbu-bully at nagpapakalat ng galit at fake news para maimpluwensyahan ang mga botante.
Pero sa kabila nito, iginiit ng CHR na ang halalan ay naghahatid ng pag-asa para sa pagkakaroon ng mas mabuting pamamahala at serbisyo sa pamahalaan.