Sinimulan na ng Commission on Human Right ang kanilang sariling imbestigasyon hinggil sa kaso ng pamamaslang sa isang barangay kagawad sa Calapan, Oriental Mindoro.
Ang biktima ay kinilalang si Anacorito Bolor, o mas kilala bilang Dok Ting, 63 anyos.
Siya at natagpuang walang buhay at puno ng saksak ang katawan sa loob mismo ng kanyang bahay sa Barangay San Vicente noong January 14.
Ayon sa komisyon , kinikilala nito ang mabilis na aksyon ng mga otoridad sa pangunguna ng Provincial Police Office.
Kung maaalala, matapos ang pagkakadiskubre sa bangkay ng biktima, kaagad na bumuo ng isang Special Investigation Task Group.
Layon ng hakbang na ito na kaagad na maresolba ang naturang kaso .
Nag-alok na rin ng pabuyan ang Calapan City government para sa sinumang makapag tuturo sa kinaroroonan ng suspect.
Samantala, sa panig naman ng CHR, nakipag-ugnayan na ang mga ito sa iba pang ahensya ng gobyerno para makatulong sa ikalulutas ng kaso.
Patuloy naman ang panawagan ng CHR sa gobyerno na ipagpatuloy ang mga hakbang upang masawata na ang ganitong uri ng krimen sa bansa.