-- Advertisements --
Umaaasa ang Commission on Human Rights na poprotektahan ng Philippine National Police (PNP) ang karapatan ng mga magpoprotesta bukas, sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang pahayag, binigyang-diin ng CHR ang mahalagang papel ng law enforcers at duty-bearers sa pagbibigay-daan sa mga mamamayan na gamitin ang kanilang mga karapatan sa isang ligtas na kapaligiran.
Inirerekomenda ng PNP na papayagan lang ang mga magpoprotesta hanggang sa Commonwealth Avenue-Tandang Sora Avenue sa araw ng SONA para maiwasan ang matinding trapiko malapit sa Batasang Pambansa complex.