-- Advertisements --

Pinuna ng Commission on Human Rights (CHR) ang naging plano ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na kung maaari ay ihiwalay ang mga nabakunahan na at yung hindi pa kapag sila ay nagtutungo sa mga sinehan, bars at ilang establishimento.

Sinabi ni CHR spokesperson Atty. Jacqueiline Ann De Guia na ang nasabing hakbang ay isang uri ng diskriminasyon at pang-aabuso.

Kailangang pag-aralang mabuti ng gobyerno ang nasabing plano para sa kaligtasan ng lahat.

Posibleng maabuso rin ang nasabing panukala lalo na sa mga indibidwal na takot o mas piniling hindi magpabakuna.

Magugunitang ipinanukala ni Concepcion ang paghihiwalay sa mga nabakunahan at hindi nabakunahan na mamamayan na pumasok sa mga establishmento para mas lalong dumami pa ang mga negosyo ang magbukas bukod pa sa mas maraming mga mamamayan ang mahikayat na magpabakuna.