-- Advertisements --

Hindi naitago ni dating NBA star Chris Bosh ang kanyang pagkadismaya matapos na hindi mapasama sa mga finalists para sa enshrinement class ng Basketball Hall of Fame ngayong taon.

Una rito, sa anunsyo ng Hall, tampok sa talaan ang namayapang basketball icon na si Kobe Bryant, maging sina Tim Duncan at Kevin Garnett.

Sa isang video statement sa social media ngayong araw, sinabi ng dating Miami at Toronto forward na bilang isang “competitve man” ay ayaw na ayaw daw nito ang pakiramdam ng kinakapos o natatalo.

“I’m going to be honest with you,” wika ni Bosh. “I’m a competitive man. I’ve been competing my whole life. A lot of people don’t really know that about me, but I’m a fierce competitor. Losing bothers me. Coming up short bothers me. It always has, you know, since the moment I started playing basketball and it kind of bleeds over into everything that I do. So I’ll just get ahead of it. And so you hear this from me, I’m disappointed.”

Gayunman, nangako si Bosh na mananatili itong positibo sa kabila ng nangyari.

“BUT sometimes things don’t work out the way you want, and you HAVE to move on,” saad nito sa Instagram post.

Matatandaang nahinto ang career ni Bosh noong 2016 dahil sa problema sa kalusugan.

Sa kabuuang 893 laro nito suot ang uniporme ng Raptors at Heat, naglista ng average na 19.2 points, 8.5 rebounds, at 2.0 assists, at 11 beses ding napasama sa All-Star selections.

Si Bosh din ang fourth overall pick sa 2003 draft at ginabayan ang Heat tungo sa dalawang kampeonato sa tulong na rin nina LeBron James at Dwyane Wade.

https://www.instagram.com/tv/B8t4ODIJYe-/?utm_source=ig_embed