-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Hollywood actor na si Chris Hemsworth na siya mamamahinga sa showbiz.

Ito ay matapos na malaman niya na dinapuan siya ng posibleng pagkakaroon Alzheimer’s disease.

Nadiskubre lamang nito ang sakit ng sumailalim siya sa mga tests bilang bahagi sa gagawin niyang pelikula.

Sinabi ng “Thor” actor na magpapagaling siya muna bago bumalik sa acting.

Paglilinaw nito na hindi pa Alzheimer’s disease ang kaniyang sakit at sa halip ay may malaking tsansa na madevelop ito ay minabuting magpagaling.

Sa ngayon ay plano nitong umuwi sa Australia kasama ang partner na actress na si Elsa Pataky at tatlo nilang anak.