-- Advertisements --

Ibinasura umano ni Phoenix Suns star Chris Paul ang imbitasyon na maging bahagi siya ng Team USA sa nalalapit na Tokyo Olympics.

Kung maalala ang Suns ay nasa Western Conference finals ngayon laban sa LA Clippers.

Kung sakaling umabot pa ang Suns sa NBA Finals halos wala na itong pahinga dahil ang Olimpiyada ay magbubukas na sa July 23.

Habang ang Game 7 naman ng Finals ay sa July 22 kung sakali.

Sinasabing ang opening ng Olympic game ng Team USA ay laban sa France sa July 25.

Sa ngayon ay wala pang kasiguraduhan kung kelan makakabalik ng game si Paul matapos na hindi makalaro sa Game 1 at 2 bunsod ng isyu sa health at safety protocols.

Kung maalala ang 36-anyos na si Paul ay naging parte na rin ng US teams na nakasungkit sa Olympic gold noong 2008 Beijing Games at 2012 London Games.

Gayunman umatras siya noong 2016 sa Rio de Janeiro Games.

Samnatala ang Toronto Raptors guard na si Kyle Lowry ay tumanggi ring maging bahagi ng 12-man Team USA roster dahil sa kanyang nalalapit na free agency.

Si Lowry ay naging parte na rin ng Olympic team noong taong 2016.