-- Advertisements --

Nakuha na ng San Antionio Spurs si 12-time NBA All-Star Chris Paul.

Pumayag kasi ang dating Golden State Warriors player ng isang taon na $11 milyon na kasunduan sa Spurs.

Ang 39-anyos ay nasa 20th season na ito kung saan sa Warriors ay mayroong average ito na 11.9 points at 7.3 na assists.

Labis itong nasasabik na makasama sa Spurs si Victor Wembanyama na isa sa kaniyang hinahangaang rookie.

Sa araw pa ng Sabado o sa July 6 malalaman ang pormal na pagpirma ni Paul kapag mapaso na ang moratorium period.