Nagawang ma-extend pa ng Oklahoma City Thunder ang serye makaraang talunin ang Houston Rockets, 104-100.
Sa ngayon parehas na meron ng tig-tatlong panalo ang magkaribal na team.
Binitbit ni Chris Paul ang team lalo na sa huling sandali nang kumamada siya ng walong puntos mula sa final 12 points ng Thunder.
Si Paul din ang nagpasok ng dalawang go-ahead free throws sa kabila ng 13.1 seconds ang nalalabi sa game.
Nagtapos si Paul sa score na 28 points.
Nagsilbing ganti ang ginawa ng Oklahoma matapos tambakan sila ng 34 points sa Game 5.
Sa panig ng Houston nasisi naman ang dating Thunder guard na si Russell Westbrook dahil sa dalawang beses na crucial turn overs.
Aminado ang dating MVP na kasalanan niya ang sablay na diskarte.
“That’s just my fault honestly that’s easy,” ani Westbrook na may 17 points.
Si James Harden naman ay nasayang ang kanyang 32 points.
Sa Huwebes magtutuos ang dalawa kung sino ang haharap sa nag-aantay na Lakers sa Western Conference semis.