-- Advertisements --

Ngayon pa lamang usap-usapan na at matunog sa mundo ng basketball na abanse sa mga pagpipilian ang pangalan ni Chris Paul na mananalo ng NBA Finals Most Valuable Award.

Maging sa mga pustahan sa mga sugarol sa Las Vegas ay nangunguna si Paul na hinuhulaang tatanghaling MVP ngayong taon.

Una nang nagpakitang gilas sa kanyang all-around game si Chris Paul sa Game 1 nang magpakawala ng game-high na 32 points at nine assists.

Bilang reaksiyon, binaliwala lamang ito ni Paul.

Para sa kanya, ang mahalaga ngayon ay naka-focus sila para ipanalo ang kampeonato na hindi pa natitikman mula noon ng kanilang prangkisa.

Para naman sa coach ng Suns, lumakas ngayon ang kanilang loob para muling makuha ang Game 2 bukas sa muling paghaharap nila sa karibal na Milwaukee Bucks.