Nagpasya na umano si All-Star point guard Chris Paul na umalis na sa Houston Rockets.
Batay sa ulat, kinausap na raw ni Paul ang pamunuan upang maisama ito sa trade matapos ang kanilang pagkabigo sa Golden State Warriors noong Western Conference semifinals.
Magiging mahirap din umano ang paglipat kay Paul at ang kaniyang tatlong taong kontrata na nagkakahalagang $124-milyon, kahit pa sinabi ni general manager Daryl Morey na bukas itong i-trade ang lahat ng kaniyang player maliban kay James Harden sa offseason.
Sinabi ng source, hindi na raw posible ang tambalan nina Harden at Paul dahil sa nagpapatuloy na hidwaan ng dalawa.
Lumala raw ang alitan ng dalawa kung saan umabot na rin daw sa dalawang buwan na silang hindi nag-iimikan noong nakaraang season.
Umabot din sa puntong pinapili ni Harden si Morey kung sino sa kanila ni Paul ang kanyang paaalisin.
Samantala, posible rin daw na i-trade si center Clint Capela, na lumagda ng limang taon, $90 milyon kontrata bago ang huling season.
Interesado rin umano kay Capela ang New Orleans Pelicans, Charlotte Hornets, Portland Trail Blazers, at Sacramento Kings.