-- Advertisements --

Hinirang bilang inaugural winner ng Kobe and Gigi Bryant WNBA Advocacy Award si Phoenix Suns 12-time All-Star guard Chris Paul.

Ito ay dahil sa “significant contributions” ni Paul sa ikabubuti ng girls’ at womens’ basketball dahil sa kanyang adbokasiya rin para sa WNBA.

Sinamahan ni Vanessa Bryant ang mga opisyal ng WNBA sa pagbigay ng award kay Paul sa NBA All-Star game sa Cleveland.

Binibigyan pugay ng award na ito ang namayapang basketball legend na si Kobe Bryant at anak nito na si Gianna na naglalaron din ng basketball.

Magugunita na sumakabilang buhay ang mag-ama noong Enero 26, 2020 nang bumagsak ang kanilang sinasakyang helicopter, na kumitil sa buhay ng pitong iba pa.