-- Advertisements --

Ginulantang ngayon ang mundo ng NBA matapos pakawalan ng Oklahoma City Thunder ang kanilang All-Star guard na si Chris Paul patungong Phoenix Suns.

Kapalit sa pag-trade kay Paul ay apat na mga players.

Chris Paul

Dahil dito mapupunta na sa Thunder sina Ricky Rubio, Kelly Oubre, Jalen Lecque, Ty Jerome at ang first-round pick sa pagitan ng taong 2022 at 2025.

Gayunman ang naturang impormasyon ay hindi pa umano naisasapinal ng liga.

Kung matuloy ang pag-trade kay Paul, makakasama niya sa team ng Suns ang isa rin matinding shooter sa NBA at isa ring All-Star na si Devin Booker.

Kung maalala sa kasagsagan ng NBA bubble bagamat naka 8-0 sa restart ang Phoenix, kinapos naman ito pagsapit sa playoffs.

Samantala, bigla namang nagbigay ng reaksiyon si Ricky Rubio sa social media at nasabi na lamang ang mga salitang “negosyo lang talaga ang NBA.”