-- Advertisements --

Tiniyak ni Phoenix Suns veteran player Chris Paul na hindi na niya pababayan na makawala pa at magkaroon ng mga turnovers sa Game 5 NBA Finlas nila ng Milwaukee Bucks.

Kasunod ito ng dalawang beses na nagkaroon ng turnovers sa dying seconds ng mga laro kaya nakuhang naitabla ng Bucks sa 2-2 ang serye noong Game 4.

Unang nakamit ni Paul ang turnover sa natitirang 3:40 minuto na nagresulta sa iisang puntos lamang ang kalamangan ng Suns at ang pangalawa ay nooong 27.2 seconds kung saan lumamang ang Bucks ng apat na puntos.

Sinisi nito ang sarili sa nasabing laro dahil sa mayroong kabuuang 17 turnovers kumpara sa limang turnovers ng Bucks.