Hindi pa umano nagsi-sink in kay Chris Rock ang sinapit na sampal mula sa kapwa American comedian na si Will Smith.
Reaksyon ito ni Rock, tatlong araw matapos ang 94th Oscar Awards kung saan naganap ang pinagpiyestahang eksena nang mag-punchline kaugnay sa pagiging kalbo ng misis ni Will na si Jada.
Sa kanyang unang public appearance, inihayag ni Rock na pinoproseso pa ng kanyang isip ang nangyari.
“I’m still kind of processing what happened,” base umano sa nakuhang audio posted ng Hollywood trade outlet na Variety.
Una nang nag-public apology si Smith pero ngayong araw ay nagpulong na ang pamunuan ng Oscar Awards para sa ipapataw na disciplinary proceedings laban sa 1st time Oscar winning actor.
“The Board of Governors today initiated disciplinary proceedings against Mr. Smith for violations of the Academy,s Standards of Conduct, including inappropriate physical contact, abusive or threatening behavior, and compromising the integrity of the Academy,” bahagi ng pahayag ng Academy. (OMG)