Ipinagtanggol ng model/ author/ entrepreneur na si Chrissy Telgen ang Twitter matapos na na tuluyan itong umalis nasabing social media platform.
Sinabi nito na hindi kasalanan ng Twitter kaya napilitan itong isara ang kaniyang account na mayroong 13 milyon na followers.
Paglilinaw pa niya na makailang beses na tumawag sa kaniya ang Twitter para magbigyang linaw ang nasabing usapin lalo na aniya ang “bullying”.
Naniniwala ito na gumagawa ng paraan ang Twitter para labanan ang pambubully.
Wala rin aniyang katotohanan na kaya umalis siya sa Twitter ay dahi sa mga troll at nilinaw nito na kaya niyang hawakan at kontrolin ang mga naglalabasang troll.
Paglilinaw nito na nais lamang niyang mapagbigyan ang mga hindi sang-ayon sa kaniyang pananaw at mga insecure kaya minabuti niyang mag-deactivate na ng account.