BACOLOD CITY – Abala ang tinagurang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista sa kanyang international comeback sa pamamagitan ng kanyang own composition na “We are here” collaboration song kasama ang Indonesian singer-actor na si Delon Thamrin.
Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Christian Bautista, sa kabila ng active pa rin niyang carrer ay hindi naman aniya doon na lamang umasa lalo na at limitado lang ang magagawa pa nila ngayon sa showbiz industry dahil sa pandemic.
Kaya aniya, bilang artista ay mas mabuti pa rin daw na merong ibang pagkakakitaan lalo na sa online.
“To think of other ideas how to earn online, because I mean it’s really nice to create songs or to inspre other people or to do fundraising shows but at the end of the day, how will you earn? So you reallt have to find ways to earn,” wika ni Bautista.
Sa katunayan ay napapaisip na rin siya na magkaroon ng kanyang sariling negosyo.
“So, I should also look for other businesses that I can create weather part of the entertainment industry or not, this is the time to really create opportunity,” dagdag ni Bautista.