-- Advertisements --

Sinimulan na ng Manila City Government ang pagdiriwang ng kapaskuhan.

Kagabi ay sinindihan na ng Manila City government ang Christmas Tree na matatagpuan sa Kartilya ng Katipunan at anim na ibang lugar sa lungsod.

Kabilang din na sinimulan na pinailawan ang mga Christmas decorations sa Rizal Monument, Intramuros, National Museum, Manila Post Office, Metropolitan Theater at Bangko Sentral ng Pilipinas.

Tiniyak ng Manila City government na masusunod ang health protocols sa mga magtutungo at magpapa-selfie sa nasabing mga Christmas Decorations kaya nagtalaga ang mga ito ng kawani ng cityhall at PNP para magpaalala sa mga pagsunod ng COVID-19.