Walang kinalaman sa impeachment complaints na inihain laban kay VP Sara Duterte ang naging Christmas fellowship kagabi ng mga mambabatas kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ginanap sa Palasyo ng Malakanyang.
Ito ang paglilinaw ni House Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega.
Sinabi ni Ortega nasa 200 mga Kongresista ang dumalo sa dinner kagabi at ang highlight sa fellowship ay ang pag prisinta sa manifesto of support ng Kamara sa Chief Executive.
Giit ng mambabatas na layon ng fellowship dinner na paigtingin pa ang camaraderie at pagpapakita ng suporta sa administrasyon ng Pang. Marcos.
Kaya walang katotohanan ang mga ulat na lumalabas sa social media.
Dagdag pa ni Ortega na ang nasabing fellowship dinner ay matagal ng pinlano, hindi lamang natuloy nuon dahil sa conflict ng iskedyul subalit natuloy na ito kagabi.
Kwento ni Ortega, bago ang dinner nagbigay ng talumpati si Speaker Martin Romualdez at iprinisinta ang resolution of support na una ng inaprubahan sa plenaryo.
Dagdag pa ni Ortega na hindi rin napag usapan ang pulitika kagabi, bilin lamang ng Pangulo sa mga Kongresista ay gawin lamang ang kanilang trabaho.
Hindi rin binanggit ng Pangulo sa dinner kabagi ang kaniyang panawagan na huwag suportahan ang impeachment complaints.
Sa ngayon dalawang impeachment complaints ang kinakaharap ni VP Sara kabilang sa grounds ay ang maling paggastos sa P612.5 million confidential funds at ang pagbabanta sa buhay ng Pangulong Marcos at iba pang opisyal.