Itinutulak ni BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co na magkaroon ng “Christmas family bubble” para pahintulutan ang mga pamilya na maipagdiwang ang holiday season kasama ang kanilang mahal sa buhay.
Ayon kay Co, maaring mag-apruba ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng isang special guidelines para sa pamilya na nagnanais na makapag-physically celebrate ng Pasko at Bagong Taon.
Isa sa mga posibleng gawin aniya ay magkaroon ng tinatawag na Christmas family bubble, kung saan ang mga pamilya na nagbabalak na magtipon-tipon para sa Holiday season ay kailangan makapag sel-isolate at self-quarantine na sa loob ng 14 na araw bago pa man ang kanilang in-person celebration.
“This means they are able to ready and gather everything they would need, work from home, avail of their leave credits, and have an isolation room just in case anyone attending the celebrations suddenly develops COVID-19 symptoms,” ani Co.
Maganda rin aniya kung makapagpa-test din ang mga ito bago pa man pumunta sa pagtitipon para sa Pasko at New Year.
Sinabi ng kongresista na maaring gamitin ng IATF ang NBA sports bubble bilang working guide sa kung paano gagawin ang Christmas family bubble.
Pero noong ayon kay Interior Secretary Eduardo Año ipinagbabawal ngayong may COVID-19 pa ang family reunions dahil itinuturing itong mass gatherings.