Libu-libong tao ang bumuhos sa medieval Old Town Square ng Prague para sa pag-iilaw ng 25-meter Christmas tree.
Ito na rin kasi ang muling pagbubukas ng taunang merkado pagkatapos ng dalawang taong COVID-19 shutdown, ngunit ang krisis sa enerhiya ay nangangahulugan ng mas kaunting mga ilaw kaysa sa karaniwan.
Maalala na ang palengke sa Prague, ay sikat sa mga Czech at dayuhang turista dahil sa mulled wine, sausages, sweets at mga regalo nito, ay na-set up na may mas matipid na mga bombilya para makatipid ng pera at magpadala ng pana-panahong mensahe ng kahusayan sa enerhiya.
Ayon kay councilor Prague Jan Chabr, napagdesisyunan umano nila na bawasan ang bilang ng mga iluminado na palamuti sa lansangan at gumamit nalang aniya ng LED light , na nababagay sa kulay ng christmas tree