Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang kanilang mga tauhan na ang mga Christmas party sa mga pampublikong paaralan ay boluntaryo lamang, at hindi pinapayagan ang monetary o solicitations para sa naturang pagdiriwang.
Batay sa DepEd Order (DO) No. 52 na nilagdaan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, maging ang pagdadala ng mga costume, dekorasyon, at exchange gift sa Pasko ay opsyonal, at walang estudyante ang dapat na hindi kasama sa pagsali sa mga holiday celebration sa mga paaralan.
Dagdag dito, ang sapilitang kontribusyon, pakikilahok, at paggamit ng pera para sa mga kaganapang ito ay ipinagbabawal din sa mga mag-aaral at mga tauhan.
Gayunpaman, maaari silang mag-ambag sa pera man o sa bagay at pagkain, sa kanilang sariling kalooban.
Ang mga mag-aaral at tauhan ay hindi rin dapat kailanganin na gumawa ng mga dekorasyon partikular para sa mga aktibidad na ito.
Sa ngayon, hinihikayat din ng Dept of Education ang mga paaralan na huwag bumili ng mga bagong Christmas decors, at sa halip ay i-recycle ang mga lumang decors na kanila ng nagamit para sa nasabing selebrasyon.