CENTRAL MINDANAO – Ipinakakansela ni City Mayor Joseph Evangelista ang christmas parties at Staff Development Activities ng mga opisyal at kawani ng city government.
Nobyembre 8, 2019 nang pirmahan at ipalabas ni Mayor Evangelista ang Memorandum number 3717 series of 2019 na nag-uutos sa lahat ng department heads na kanselahin ang mga pagtitipon at mga aktibidad ng kanilang mga empleyado na naka schedule sa buwan ng disyembre.
Ayaw daw ng alkalde na isakripisyo ang kaligtasan ng kanyang mga empleyado gayung inaasahan pa ang mga aftershocks na dala ng tatlong malalakas na lindol kamakailan lang.
May kasiraan din na tinamo ang mismong city hall kung kaya at nadisplaced ang ilang tanggapan at temporaryong nag-oopisina sa ibang pasilidad ng city government.
Aniya, mas mainam na ipagdiwang na lamang ng simple at makabuluhan ang kapaskuhan sa piling ng mga mahal sa buhay at iba pang nangngailangan ng tulong na mga nasalanta ng lindol.