Gagawin na lamang indoors ang Christmas Day message ni Pope Francis matapos na dalawa pang cardinal ang nagpositibo sa COVID-19.
Kung ipapaalala naging tradisyon na ng Santo Papa na magbigay ng kanyang “Urbi and Orbi” (To the City and The World) message mula sa balkonahe ng St Peter’s Basilica tuwing December 25.
Pero dahil sa pinahigpit na restrictions ng Italya sa panahon ng Christmas at new year bunsod nang pagsirit na naman ng mga kaso ng coronavirus susunod na rin ang Vatican sa mga patakaran.
Ayon sa statement mula sa Vatican, magbibigay na lamang ng kanyang mensahe si Pope sa loob ng Hall of Blessings sa Vatican Apostolic Palace.
Sa December 26 at December 27 at January 1, 3 at 6, ang recitation ng Angelus prayer ay gagawin sa library.
Bago lamang kinumpirma ng Vatican na tinamaan din ang malalapit sa kanya na mga advisers na sina Italian Cardinal Giuseppe Bertello, 78, na siyang presidente ng governorate o tumatayong chief executive; at ang Polish cardinal na si Konrad Krajewski, na tinagurian ding “Robin Hood” na siyang nangangasiwa sa mga charities ni Pope para sa mga mahihirap.
Kung maalala una nang gumaling sa COVID ang Filipino cardinal na si Luis Antonio Cardinal Tagle na siya namang Prefect of the Vatican Congregation for the Evangelization of Peoples.