-- Advertisements --
MRT

Inilunsad na ng Department of Transportation ang mga Christmas Trains sa MRT-3 at Light Rail Transit Line 2.

Naglagay ang ahensiya ng mga dekorasyon na pang-pasko ang DOTr sa mga train ng LRT at MRT-3.

Sinabi ni DOTr Asec. Jorjette Aquino na ito ang tradisyon na kanilang ginagawa para maramdaman ng mga pasahero ang diwa ng Pasko.

Ilan sa mga gimik nila ay ang pagbibigay ng mga kendi sa mga pasahero ng train station sa Metro Manila.